Dagdag Excise Tax, Bawas Gastos
Mae Balbuena (Pang-masa) - February 21, 2018 - 12:00am

Sa pagpapatupad ng  bagong Tax Reform for Accele­ration and Inclusion (TRAIN) bill, panibagong  pahirap na naman ito sa mga mamamayang Pilipino na  pilit pinagkakasya ang buwanang kita. Dahil dito, kailangan na naman ng panibagong paghihigpit ng sinturon. Isa sa pangunahing produkto na apektado ng Excise tax ang gasolina. Sa pagtaas ng presyo ng gas, narito ang ilang tips para  makatipid sa gas.

TLC (tender-loving-care) - Lahat ng makina, kung inaalagaan, nililinisan, mini-maintain, mas magiging effective ito at makatutulong para makatipid sa gas. 

Go Light - Kapag mabigat ang karga, mas madadagdagan ang gas na ikokonsumo. Kahit extra pound o extra kilo lang ay may epekto sa fuel efficiency. Tanggalin ang mga bagay na hindi kailangan sa sasakyan. 

Engine-off - Kapag nakabukas ang makina, gumagamit ito ng gasoline, kung maghihintay ng matagal sa pila o kung maghihintay ng sundo, patayin ang makina. 

High gear - Sikaping maabot lagi ang mataas na gear. Kapag mataas ang gear habang umaandar, mas mababa ang engine spead na makatutulong sa fuel efficiency. 

Aero dynamics - Iwasang nakabukas ang bintana kapag umaandar, o magpatong ng mga bagahe sa taas ng sasakyan. Ang mga bagay na komokontra sa hangin ay nakakaapekto sa puwersang kailangan ng sasakyan para makaandar ng mabilis. Kapag may resistance, mas gumagamit ng gasoline ang makina para makatakbo ng mabilis.

Battery Check - Kapag mahina ang battery, mas komokonsumo ng gas.  Laging i-check ang inyong battery. 

Iwas traffic - Malakas makaubos ng gas ang pausad-usad na andar. Kapag nasa traffic, laging naka-idle, mas malakas ang konsumo ng gas. Iwasan ang traffic, iwasan ang rush hour, humanap ng mga alternate routes na maluwag.

Think ahead - Maging alerto kapag nagda-drive. Sikaping makatipid sa pag-apak ng gasoline. Bitawan na ang gas kung papalapit na sa stop light. Iwasan ang biglaang pagpepreno. Iwasang paharurutin ang sasakyan kung mahihinto rin naman sa ‘di kalayuan.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with