Lalaki Bumalik Umano Galing sa Taong 2030
(Pang-masa) - February 18, 2018 - 12:00am

Time travelling, isa ito sa matagal nang paksa sa mga misteryo ng ating panahon. Matagal nang napag-uusapan ang time travel at paggawa ng mga time machine. Kahit sa mga pelikula ay ilang beses na itong bumida. Pero posible nga kaya talaga itong mangyari?

Isang video ng lalaki na nagpakilala sa pangalang Noah na mula umano sa 2030 ang nagba-viral sa kasalukuyan. Mapapano­od ito sa ApexTV channel sa YouTube. Makikita sa video na may nakakabit sa kanyang lie detector machine ngunit hindi kita sa frame ang kabuuan. Posibleng totoo nga ang lie detection test o gawa-gawa lamang.

Sa bawat katanungan sa kanya ay positibo ang resulta sa lie detector test.

Ilan sa mga sinasabi niya na magaganap sa hi­na­harap, ang artificial in­telligence (AI) ay magi­ging advanced na pero pipiliin nitong mag-co exist sa mga tao. Mare-reelect daw umano si U.S. President Trump sa 2020 elections. Ang magiging pre­sidente umano ng U.S. sa 2030 ay may pangalan na Ilana Remikee. Tataas ang temperatura sa U.S. at bababa naman umano sa Europe dahil sa global warming. At huli ay sinabi ni Noah na makakarating ang tao sa Mars at maiimbento ang time travel sa taong 2028.

Totoo nga kayang bu­malik mula sa hinaharap ang lalaking ito?

Kayo na ang humusga.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with