^

Para Malibang

Green tea pasado sa pagpapakinis

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Nakaugalian na ng mga sinaunang Tsino ang pag-inom ng green tea at century na ang lumipas simula nang gamitin ito bilang lunas sa depression at sakit ng ulo. Pero ngayon, mahilig na rin sa green tea ang mga tao galing sa iba’t ibang dako ng mundo dahil sa maraming benepisyo na taglay nito sa ating kalusugan.

Sagana ito sa antioxidants, enzymes, amino acids, B vitamins, folate, manganese, potassium, magnesium, at caffeine.

Dagdag pa riyan, napag-alamang may maganda rin itong dulot sa pagpapaganda partikular na sa pagpapatubo ng buhok at sa pagpapaganda ng kutis.

Bukod sa pag-inom nito isang beses sa isang araw, narito pa ang ilan sa mga paraan na pwedeng gawin sa green tea:

Maglagay ng dalawang bag ng green tea sa freezer ng isang oras, ilagay ito sa mata para matanggal ang iyong eyebags.

Buksan ang isang bag ng green tea at haluan ito ng honey at lemon/calamansi juice. Paghalu-haluin ang mga sangkap at ibabad sa mukha ng 30 minuto na parang face mask.

Para makaiwas sa acne at pimples, magpakulo ng green tea. Kunin ang katas nito at ilagay sa apektadong area gamit ang malinis na bulak. Ibabad ng 10 minuto at banlawan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with