Alamin: Lovelife Mo sa 2018

Part 8

Kalkulahin ang birth date + birth month + 2 (sum total ng year 2018). Single number dapat ang magiging sum total (1 to 9). Ngunit kung ang magiging sum total ay 11 at 22, hindi na kailangang gawing single number dahil master numbers ito. Halimbawa: April 24 ang birthday (4 +6+2=12 or 3). Number 3 ang iyong love number ngayong 2018.

Love Number 8

Ito ang love number na may kaugnayan sa pagpapakasal, pakikipaghiwalay at pagbubuntis. Ang taong mapapaugnay sa iyo romantically ay maaaring mas matanda sa iyo; mayaman at maimpluwensiya o kaya ay malakas ang  sex appeal.

Malaki ang tsansa na makitang muli ang mga taong nakahalubilo nang nakalipas na panahon: kamag-anak na matagal nang nawawala, dati mong karelasyon o kaya ay dating kaklase. Ang mga taong magkakaroon ulit ng koneksyon sa iyo ay Capricornian or Librans. O, ang petsa ng kanyang birthday ay 8, 6, 5. Magsuot ng deep blue, black, at ibang dark colors for attraction. Mangyayari ang romance episode alinman sa buwan ng March, July, September, at December.

 

Show comments