Alamin: Lovelife mo sa 2018

Part 7

Kalkulahin ang birth date + birth month + 2 (sum total ng year 2018). Single number dapat ang magiging sum total (1 to 9). Ngunit kung ang magiging sum total ay 11 at 22, hindi na kailangang gawing single number dahil master numbers ito. Halimbawa: April 24 ang birthday + 2 = 4+6+2=12=3 ang love number.

Love Number 7

Hindi magandang period para sa love and romance dahil ang number 7 ay nagpapahayag ng pag-iisa. Kaya ang romance na mabubuo sa period 7 ay hindi pangmatagalan o malabong maging permanente. Magkaganoon pa man, ang mga taong mai-involved sa iyo ay may birth date na 2, 7 at 4 o may zodiac sign na Cancer, at Pisces. Makikilala mo siya sa alinmang buwan na sumusunod: January, April, August, at October. - Itutuloy

Show comments