Pangalawang Anino (339)

SAKA pumasok ang dalawang divers sa loob ng bumagsak na eroplano. Hinanap nila ang dahilan kung bakit nagkaroon ng napakaliwanag na ilaw kanina.

Pero tulad ng inaasahan, wala naman silang makita.

Hinahanap na lang nila ang huling katawan na dapat mailabas sa eroplano at maiahon sa dagat.

Lahat na sulok kanilang tiningnan.

Pero nabigo silang may makita pang katawan.

Kaya bumalik na lang sa ibabaw ng dagat ang mga divers at nag-report sa head ng rescue and retrieval operation.

“Wala na talagang tao o katawan doon, Sir.”

“Nasaan kaya ang katawan na iyon? Intact naman ang eroplano, ‘di ba? Paanong napalabas ang katawan o nahulog?”

“Iyan nga ho ang nakakapagtaka, Sir. Dahil wala namang napingas sa eroplano. Ang pinto ay nakaawang lang nang konti, imposibleng may lumusot doon na katawan during the impact.”

“At sigurado namang walang malakas na impact dahil nga buo ang eroplano. So paanong may napalabas na body?”

Napapailing na lang ang mga rescuers dahil nga nalilito sila.

Narinig iyon ni Roger.

Sa malayo, hindi pansin ng mga tao, nakita niya ang anak na si Nanette na ni hindi nabasa ng tubig, buhat ang pangalawang anino.

Lumapit si Roger, tiniyak na walang makakapansin.

Nakaharang na ang mga puno ng niyog sa kinaroroonan ni Nanette at ng pangalawang anino.

 “Nanette, ano ang nangyayari kay Yawanaya? Pa..patay na ba siya?”

“Wala siyang vital signs, Itay. Walang tibok ang puso. Bilang isang anino lang, hindi ko naman alam kung ganyan lang talaga siya. Talagang hindi nagkakaroon ng vital signs, buhay man o patay. Dahil hindi ko naman siya nahawakan nang ganito noon.”

“Si ... si Yawan?”

“Wala na pong ibang katawan doon, tiningnan kong mabuti. Buong-buo pa ang eroplano, Itay.”

“Kung ganoon buhay pa kaya siya o patay na?”

“Limitado pa rin naman ho ang kapangyarihan ko. Hindi ko po matiyak. Pero kung wala ang kanyang katawan sa isang eroplano na hindi nabasag ...”   - ITUTULOY

 

Show comments