Paano palayasin ang negative energy?

May negative energy sa inyong bahay kung ang mga residente ay nakakaranas ng sumusunod: galit, stress, magulo ang isip, laging nag-aaway ang magkakapamilya at madalas na may nagkakasakit.

Kailangan: transparent drinking glass, sukang puti, purong asin na walang halong iodine, tubig.

Paraan: Lagyan ang baso ng one-third cup na asin. Haluan ng isang kutsarang suka. Punuin ang baso ng tubig. Mag-iwan lang ng kaunting space sa bibig ng baso. Ilagay ito sa isang sulok ng salas na walang makakapansin o hindi mapapakialaman ng pets. Iwanan ng 24 hours.

Pagkaraan ng 24 hours: Kung ang hitsura ay walang pagbabago, walang negative energy sa bahay mo. Palatandaan na may negative energy: lumabo ang tubig, umawas ang tubig sa baso.

Kung napatunayang may negative energy, hugasan ang baso, kumuha ng panibagong ingredients at ulitin ang procedure hanggang sa luminaw na ang tubig.

 

Show comments