Sintomas ng Bulimia Nervosa

Hindi biro ang pagkakaroon ng bulimia nervosa. Ang mga may bulimia ay grabeng husgahan ang kanilang katawan at tingin nila sa sarili ay laging mataba. Strict ang diet nila pero bigla rin kakain ng marami dahil sa gutom. Pero matapos nito ay gagawa sila ng paraan para hindi madagdag sa timbang ang kanilang kinain tulad ng puwersa­hang pagsusuka, pag-inom ng laxatives, at malalang pag-ehersisyo.

Narito ang ilang sintomas ng pagiging bulimic

1. Binge eating o ‘yung pagkain ng marami sa maiksing panahon lang.

2. Pilit na pagsusuka, fasting, sobrang pag-eher­sisyo, at pag-inom ng laxatives.

3. Nahihiyang ipakita sa iba ang pagkain ng marami.

4. Nagbabase ang self-esteem kung ano ang hitsura ng katawan (sexy).

5. Sobrang pag-iisip ng kakainin at diet na tipong nakakagulo na ng araw-araw na gawain.

6. Walang kontrol sa pagkain at kinakain.

7. Laging iniisip at takot tumaba.

Show comments