Steak ‘N Ramen May Future

BURP REVIEW

First time namin makatikim ng steak sa ramen kaya naman naintriga kami sa steak ‘n ramen ng Steak ‘N Ramen na kabubukas lang sa SM Cherry Antipolo. May iba pang branch ang Steak ‘N Ramen at marami rin itong kiosks na abot pa sa probinsya.

Kakaiba ang konsepto nila ng pinaghalong steak at ramen. Medyo may kamahalan lang dahil P245 ang isang order nito na hindi naman kalakihan. Nakakatuwa lang ang Ajitsuke Tamaga (ramen eggs) dahil isang buo ang nakalagay, kadalasan kasi ay kalahati lang ang nakalagay. Malasa ito at manamis-namis. Masarap din ang steak kahit pa maliit lang ito. Mainit ang sabaw ang bagay sa lasa ng steak. May amoy middle eastern na aroma rin ito. Parang pinaghalong, Japanese, American, Middle Eastern ang lasa ng steak ‘n ramen. Maging ang noodles  ay may laban din naman. Burp!

Lasa: 4/5; Presentasyon: 4/5; Presyo: 2/5

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Show comments