Perpektong inihaw na marshmallows

Burp Fact

Aliw kainin ang marshmallows sa hot chocolate, kutkutin o kahit pa minsan sa children’s party. Inilalagay ito sa dulo ng hotdog na naka-stick.

Marami naman tayong nakikita sa mga pelikula o palabas sa TV na nag-iihaw ng marshmallows kapag nasa beach, camping, o picnic sa gabi. Marami ang sumubok nito dahil aliw nga namang tingnan pero marami rin ang bigo dahil kung hindi natutunaw o naluluto e natututong naman ang marshmallows.

Ang paluluto ng marshmallows sa apoy ay hindi lang chemistry. Kailangan din ng eksaktong layo mula sa apoy para ma-achieve ang perfect roasted marshmallows.

Kung mataas sa 3.4 cm hindi ito maluluto. Kung saktong 3.41 cm ang layo sa apoy ay perpekto ang pagkakaihaw nito. Pero kung mababa sa 3.4 cm ay siguradong tutong ang kalalabasan ng inyong marshmallows. Kaya naman mahalagang tandaan ang numerong 3.4 sa pag-iihaw ng marshmallows. Good luck! Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Show comments