Udyok ng Emotional Intelligence

Natural na naka­desen­yo sa isang tao na sinusubukan na intindihin ang kapwa.

Parte ng emotional intelligence na imagine kung anong puwedeng nararamdaman ng iba sa isang sitwasyon.

Patungkol kung pa­ano maunawaan ang pinagdaraanan ng indibidwal. Sa pamamagitan ng EQ nakikita ang sarili sa iba at nakaka-relate kung sila ay nagagalit, malungkot, nasasaktan, nalilito, nenerbyos, napapahiya, at feeling na kakaiba.

Kapag na-imagine kung anong emosyon mayroon ang iba na kahit hindi naiintindihan ito ay tinatawag na empathy o pakikiramay.   Ang pakikiramay ay nakatutulong para magmalasakit sa iba at ma-build ang magandang pagkakaibigan at relasyon.

Ang EQ ay nagsisilbing gabay kung ano ang dapat sasabihin na puwedeng pang-encou­rage at pangpalakas ng loob sa gustong damayan.

Ang EQ din ang nag-uudyok kung paano mag-behave kapiling ng mga taong may pinagdaraanan o mayroong matinding emosyon na dinadala sa dibdib.

Show comments