Nobyo Nakabuntis ng Kaopisina

Dear Vanezza,

Twenty eight years old na ako at ikakasal  na sana kami ng nobyo ko. Pero nahuli ko  sa cell fone niya na may nangyari sa kanilang ng kaopisina niya. Sabi niya ay natukso lang daw siya nang mag-inuman silang magbabarkada at naiwan sila sa grupo. Ibinalik ko ang singsing niya, pero nakikiusap siyang hindi na mauulit kapag natuloy ang kasal namin. Ang masama pa ay buntis ang kaopisina niya. Feeling ko kung ngayon pa lang hindi na siya honest paano pa kapag kasal na kami.  Ayaw ko rin may kaagaw sa magiging anak nila. Tama ba ako? – Jane

Dear Jane,

Tama ang desisyon mo na ngayon pa lang ay mag-back out na tiyak ay makakahanap ka pa ng ibang lalaki na deserve sa pagmamahal mo. Hindi katuwiran na natukso siya dahil mas pinili niyang siraan ang relasyon ninyo sa pagtikim ng ibang babae. Hayaan mo rin siyang magkaroon ng oras para sa magiging anak niya kaysa  makihati pa sa babaeng naanakan niya. Hindi magiging kawalan sa buhay mo ang BF na mabuti hanggang maaga ay nakilala mo agad ang kanyang serketo.  Maghintay ka ng lalaking magiging tapat sa iyo kahit kalian

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments