Toothpaste Pantanggal ng Marker Stains sa Kahoy

Kakambal na ng may kasamang bata sa bahay ang mga basag na vase o plato. O kaya naman ay parang artwork na dingding at muwebles dahil sa kanilang (bata) pagkukulay. Pero hindi naman maaaring magalit dahil bata ang mga ito. Ang kailangan na lang gawin ay pagsabihan sila at turuan ng tama.

Ang isang pinaka-common na problema ay ang mga batang mahilig mag-drawing at magkulay. Gamit ang markers o crayola, halos lahat ng kagamitan at muwebles maging ang dingding ay siguradong hindi makali­ligtas. Kaya naman hirap ang mga magulang o taga­linis para gawan ito ng paraan.

Ang marker stains sa kahoy ay madaling matanggal gamit lamang ang toothpaste. Pahiran lang ng toothpaste ang mantsa sa kahoy at punasan ng basahan makalipas ang ilang minuto. Ulitin lang ang proseso hanggang matanggal ang marker stain sa kahoy.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto maraming paraan!

Show comments