Iba’t ibang Luto ng Nilagang Itlog

Burp Tips

Masarap ang nilagang itlog at maaari itong ulamin ng solo o kaya’y side dish sa isang putahe. Puwede rin itong ipansahog sa lutuin o kaya naman ay ilagay sa salad. Maraming puwedeng gawin sa itlog kaya naman isa ito sa mga mabentang pagkain sa mga tindahan at pelangke.

May iba’t ibang uri ng luto ng nilagang itlog depende sa gusto ng kakain o sa paggagamitan. Halimbawa kung gusto n’yo ng solid na nilagang itlog na bagay gawing merienda o ulam at sa mga maaarte na ayaw ng masabaw, pakuluan ito ng 7 minuto.

Pakuluan naman ng 6 na minute ang itlog para sa half-cooked na itlog. Ito ‘yung bagay sa mga ramen at noodles na may sabaw.

Kung gusto n’yo naman ng medyo malasado na bagay sa mga noodles na walang sabaw ay 5 minuto lang itong pakuluan.

At para sa malasadong itlog na bagay sa mga salad at ipang-top sa mga karne, 4 minuto lang ang kailangan at mai-enjoy na ito. Sarap ‘di ba? Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Show comments