#Notepad

Ang Pinoy ay hindi lang magagaling na singer, kundi mahuhusay din pagdating sa sketching at pagdo-drawing.

Kaya marami ang hindi nagpapahuli sa Notepad gadgets ng  mga avid sketch artist. Dahil hindi na kai­langan gumamit at gumastos ng regular na papel, kundi isang nifty gadgets tulad ng Notepad na madaling bitbitin kahit saan.

Pati pagdo-drawing ay instant na ngayon gamit ang Notepad. Pwede rin itong gamitin para notetaker habang nasa meeting o klase ng mga estudyante o simpleng libangan ng pag-sketch ng mga obrang gustong gawin.

Instant din na pwedeng i-send ang mga notes, dra­wings, minutes, o documents sa mga smartphone o tablet users. May option din na mag-search ng mga sketch via mobile device na gamit.

Show comments