Bikini Para sa mga Sanggol

Grabe na ‘to!

Kung may mga taong sobrang konserbatibo at kinokundena ang mga swimsuit na pangbata eh ano pa kaya kung makakita sila ng para sa mga sanggol pa lamang?

Isang kumpanya ang nakaisip gumawa ng swimsuit na tinawag na “Baby-Kini”. Pero marami ang nagkakandarapa na bumili at ipasuot ang mga sexy outfits na ‘to sa kanilang mga anak. Ang isa lang problema rito ay idinisenyo ang mga baby bikinis na hindi sinusuotan ng diapers. Ibig sabihin, “makalat” ito na siguradong ikaiinis ng ibang kasabayan sa mga pool o beach.

Ang pinakamaliit na size ay para sa bagong panganak hanggang 6 months old na sanggol. Ibig sabihin nito ay maraming ihi at dumi ang kakalat kapag ito ang ginamit. Siguradong mas maraming magpuprotesta hindi sa kung gaano ka-daring ang baby-kini kung hindi dahil sa messy itong gamitin kapag dinala ang sanggol sa pool.

Show comments