Kinakatakutang Abandonadong Lugar

Maraming abandonadong lugar sa buong mundo at ang bawat isa sa mga ito ay may kasaysayan.

Ang iba sa mga abandonadong gusali/lugar ay nakakatakot sa ilan at ang iba naman ay nakamamangha sa ganda.

Discovery Island, Florida, USA. – Ang Discovery Island ay binuo ng Walt Disney World property noong 1974. Binuksan ito sa publiko bilang atraksyon sa mga turista kung saan nila makikita ang kakaibang lamang dagat at mga bulaklak. Sinara ito sa ‘di malaman na dahilan noong 1999.

Hotel de Salto, Bogota, Colombia – Isinara ang nasabing hotel noong 1990s dahil sa hindi matapus-tapos na konstruksyon nito kaya nabawasan na rin ang mga taong gustong mag-check in dito. May mga kumalat na tsismis na ang hotel ang paboritong puntahan ng mga nagpapatiwakal kaya ito isinara. Simula noon, pinangilagan na ang hotel at naging haunted.

Beekitz Military Hospital, Brandenburg, Germany – Ginamit ng German Army ang nasabing ospital noong World War I at ito ang pinakamalaking ospital para sa mga sundalo. Isa sa mga sikat na pasyente ng ospital si Adolf Hitler. Naging abandonado  ang ospital taong 1995. Marami ang nagsasabing may maligno, engkanto, multo, at kung anong paranormal activity ang nababalot sa lugar.

Show comments