8 Paniwalang Tsino Tungkol sa Wealth Luck

1--Para maakit mo ang wealth luck, maglagay ng asin (nakalagay sa plastic-supot) sa bawat kanto ng iyong bahay. Palitan mo ng panibagong asin tuwing ika-10 araw.

2--Huwag magsusuot ng singsing sa hinlalaki. Ang singsing sa hinlalaki ay nagpapahayag ng naglahong kayamanan at tagum­pay.

3--Huwag ipapatong sa ibabaw ng cash box o anumang lagayan ng pera ang fly swatter dahil nagpapahayag ito na itinataboy mo ang mga kostumer palayo sa iyong tindahan.

4--Ginagawa ito ng mga Chinese sa Taiwan upang mapalitan ng suwerte ang minamalas na buhay: Pinupuno nila ng asin ang isang ceramic mug na kulay itim o kaya ay dark blue. Hinahayaan nila itong naka-displey sa kitchen. Pinapalitan ng panibagong asin ­every 10 days. Hindi lang suwerte ang hatid ng simpleng ritwal na ito kundi improvement ng relasyon ng mag-asawa.

5--Kapag nananalo ka sa sugal, huwag kang aalis sa iyong puwesto para umihi o maghugas ng kamay. Ang tubig ay simbolo ng pera sa Chinese. Kapag umihi ka, ang ibig sabihin nito ay itatapon mo ang pera. Tapusin muna ang laro bago umihi. 

6--O, kapag naghugas ka ng kamay ay itinatapon mo ang suwerteng nakadikit sa iyong kamay.

7--Huwag makiki­pagsugal sa buntis. Mas masuwerte sila sa inyo dahil dala-dala nila ang good luck sa loob ng kanilang tiyan.

8--Masuwerte na may buntis na nanonood sa iyong likuran habang ikaw ay nagsusugal.

Show comments