Gold LEGO Brick

Grabe na ‘to!

Ilang henerasyon na ring sikat na sikat ang LEGO. Mayroon pa ngang Legoland park sa iba’t ibang parte ng mundo ang itinayo para lang sa mga LEGO fanatics.

Pero isang item ang in-auction ng Catawiki auction house noong Peberero 2017. Isa ito sa mga rarest LEGO bricks. Naka-auction sa halagang $20,000 ang isang 14-carat solid golf na LEGO brick na estimated na nagkakahalaga ng $2,118.54. Pero ang totoong halaga ng gold LEGO brick na ito ay hindi masusukat ng pera dahil ang totoong value nito ay nasa collectability.

Sinasabing walang 10 piraso ang ginawang gold LEGO brick na nag-i-exist sa mundo. Ito’y ibinigay lamang sa mga valued business partners at empleyado na nasa LEGO team ng 25 taon mula 1973 hanggang 1981.

Kaya siguradong ang magkaroon ng gold LEGO brick ay isa sa mga pinapangarap ng LEGO fanatics sa buong mundo.

Show comments