Mister Nadi-depress sa Bahay

Dear Vanezza,

Hindi ko alam kung paano ko mapapakalma ang mister ko na nawalan ng trabaho. Mag-iisang taon na siyang naghahanap ng trabaho pero hanggang ngayon at wala pa rin siyang  nakukuha. Mabuti na lang at may trabaho ako kaya nakakaraos kami kahit paano. Ang mister ko ang naiiwan sa bahay, pero nadi-depress na siya. Feeling niya ay nawawala ang pagkalalaki at silbi niya bilang ama ng tahanan. Laging nakatuon siya sa negatibong bagay, imbes na matuwa na nakakasama ang dalawang anak namin sa paghatid at sundo niya. Hindi kasi siya sanay na tumigil sa bahay. Ano ba ang gagawin namin? – Sybil

Dear Sybil,

Baka puwede kayong magtayo ng sarili niyang maliit na pagkakakitaan sa bahay. Pwede rin sa online na swak sa skills ng mister mo. Makatutulong na huwag mo siyang awayin at laging suportahan sa gusto niyang gawin para ma-boost muli ang kanyang self-esteem. Malaki ang magagawa ninyo ng anak mo para maging sandalan ng mister mo habang dumadaan siya sa ganitong problema.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments