Mga Ipis sa Dingding

Panaginip: Lagi kong napapanaginipan na  mara­ming ipis na gumagapang sa dingding ng aking kuwarto. Parang langgam sila na maayos na nakahanay sa ­iisang linya. Kumuha ako ng tsinelas at pinagpapatay ko ang mga ito pero lalong dumadami ang ipis kapag pinapatay ko.

Interpretation : Ang ipis ay simbolo ng mga negatibong pangyayari o negative people na humahatak sa iyo patungo sa hindi magandang gawain. O, sila ‘yung dahilan kaya magulo ang isip mo. Lagi mong napapanaginipan ito dahil wala kang ginagawang paraan para mapalayo ka sa mga taong nagdudulot sa iyo ng negative vibration.

Show comments