Kailan ang Inyong Positive at Negative Day?

Ang prinsipyo ng Positive Day (PD) at Negative Day (ND) ay nagmula sa Chinese Astrology.

RAT: Ang PD nila ay tuwing Martes. Upang lumakas ang good luck sa araw na ito, magsuot sila ng red corals. Isuot ito bilang pendant o singsing. Ang mainam gawin sa araw ng Martes ay mag-loan ng pera, maglipat-bahay, tumaya sa lotto at anumang activity na nangangailangan ng  su­werte. Magandang araw din para mag-invest sa stock market.

Kailan naman ang ND ng Rat? Tuwing Sabado.

Sa araw na ito, iwasang makipagtalo dahil malamang na mauuwi ito sa suntukan. Iwasan din magsimulang magpatayo ng bahay o kahit anong project, mag-launch ng bagong product o magbukas ng negosyo. Iwasan din umatend ng piyestahan, simulan ang biyahe. Huwag magsusuot ng blue sapphire.

OX: Ang PD nila ay tuwing Miyerkules. Magsuot ng Emerald, green tourmaline, upang lalong gumana ang good luck. Excellent day para sa job interview, simulan ang paglalakbay, magpakasal at tapusin ang project na napatigil.

Ang ND ng OX ay tuwing Huwebes. Iwasang makipagtalo at manakit ng hayop. Ipagpaliban din ang construction works lalo na ang pagpalit ng bubong. Huwag gumamit ng yellow sapphire. (Itutuloy)

Show comments