Ketchup Panlinis ng mga Kagamitang Copper

Marami tayong copper cookware o vase at kung anu-ano pang kagamitan na gawa sa copper dahil pangmatagalan ang gamitan nito.

Ang isa lang hindi maganda rito ay sa pag­lipas ng panahon ay nangungupas ang kulay nito. Pero paano nga ba maglinis at mapanumbalik ang dating ganda ng mga kagamitan na gawa sa copper? Mahirap kasi itong linisin dahil nag-iiba ng kulay kapag mali ang paraan ng paglilinis.

Ang magandang panlinis sa mga kagamitang copper ay ketchup. Mas maganda kung tomato ketchup ang gagamitin.

Pahiran lang ng tomato ketchup ang copperware at banlawan ng maligamgam na tubig at patuyuin. Ganito lang kasimple ang maglinis ng copper na kagamitan at magugulat kayo sa resulta. Manunumbalik ang dating ganda at kinang ng copperware n’yo mapa-panluto, vase, at kung anu-ano pa.

Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto maraming paraan!

Show comments