Anak Nabuntis ng Drug Addict

Dear Vanezza,

Walong buwan na akong buntis ngayon, saka ko lang ipinaalam sa pamilya ko sa probinsiya. Ang gusto ng tatay ko na bago ako manganak ay maikasal ako. Hindi ko maipaliwanag kay tatay na adik ang nakabuntis sa akin. Sa katangahan ko ay hindi ko alam na drug addict pala ang lalaking nakabuntis sa akin. May sakit sa puso si tatay. Balak kong magpakasal para kay tatay. Saka ko na lang problemahin pagkatapos kong manganak. Tama ba ako? – Danielle

Dear Danielle,

Bakit hindi ka humingi ng tulong sa nanay mo na baka makatulong sa iyo na ipaliwanag na hindi ka puwedeng ikasal. Dahil dobleng dagok pa ang papasukin mong sitwasyon. Maghintay ka pa ng panahon na baka kumalma ang iyong tatay, kapag nalaman o nakita niya ang iyong sitwasyon.

Sumasainyo,

 Vanezza

Show comments