Durian Maganda sa Puso

BURP FACT

Marami ang may ayaw sa durian dahil sa matapang na amoy nito. May mga nababanguhan pero mas marami ang nababahuan.

Pero alam n’yo ba na maraming health benefits ang nakukuha sa pagkain ng prutas na pinandidirihan ng marami? Oo, maraming benefits na makukuha sa pagkain nito. Ilan lang dito ay pang-boost ng immune system, pampatibay ng mga buto, panlaban sa anemia, at insomnia, pang-iwas sa premature aging, pampababa ng blood pressure, at proteksyon sa maraming cardiovascular disease.

Mayaman ang durian sa potassium at kapag mataas ang potassium level sa katawan ng tao ay relaxes ang blood vessels.

Ibig sabihin nito nakakabawas ng stress sa cardiovascular system at nakakababa ng tsansa na makapag-develop ng heart attack at stroke. Bongga ‘di ba?

Ang mababang stress din sa veins at arteries ay nakakaganda ng oxygenated blood flow sa utak.  At may mga pag-aaral na nakakababa ng risk sa pagkakaroon ng Alzheimer’s at dementia.

Burp! Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

Show comments