Unang Pinay na Nanalo sa Kasong Diskriminasyon sa UK
BUHAY OFW (Pang-masa) - May 7, 2017 - 12:00am

Hindi maiwasan na makaranas ng diskriminasyon ang mga Filipino overseas workers ma­ging sa United Kingdom. Pero kahit honest at masisipag ang mga Pinoy ay pilit pa rin nahahanapan ng butas ng ibang lahi.

Katulad ng karanasan ng unang Pinay na nanalo sa kasong discrimination sa UK. Isa itong midwife supervisor sa isang hospital sa UK, pero pilit na inilipat siya ng isang doktor sa panggabing shift at ibang lugar kung saan siya mapipilitang maglakad sa gitna ng snow. Hindi sumunod ang Pinay at idinemanda ang doktor dahil alam niyang nasa tamang katuwiran ito. Nagkataon na nag-aaral din ng nursing ang midwife habang nagtatrabaho sa ospital.  Laking pasasalamat ng Pinay na kinatigan siya ng korte sa UK dahil sa maling trato sa kanya ng isang puting doktor. Binayaran siya ng malaking halaga dahil sa discrimation na naranasan nito sa malupit na doktora.

Ngayon ay naghahangad ang Pinay na mag-apply sa Japan at doon ipagpatuloy ang kanyang magandang hangarin na magtrabaho ng maayos at tahimik.

PINAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with