Nanay na Pinasusunod ng mga Anak

Dear Vanezza,

Panay ang chat maghapon at magdamag ng mga anak ko. Kung hindi naglalaro sa cell phone nakikipag-chat sa mga kaibigan. Hindi na mautusan sa bahay. Puro bagsak din ang mga grades. Ano ba ang dapat kong gawin?  Mama Lei

Dear Mama Lei,

Ikaw ang nanay at nasa isa iyo ang authority kung anong dapat gawin. Hindi yung ikaw pa ang pinasusunod ng iyong mga anak. Kung hindi nag-aaral, kumpiskahin ang cell phone na ibabalik mo lang kapag natuto na itong maging responsible sa kanilang pag-aaral. Ang magulang ang dapat nasusunod sa bahay at ituro ito sa anak na sumunod. Para magkroon ng disiplina ang mga anak,

 Sumasainyo,

Vanezza

 

Show comments