Pating Naanod sa Kalye

Ikinagulat ng mga residente ng bansang Australia ang kanilang nakita pagkatapos sila hagupitin ng bagyong Debbie (cyclone Debbie).

Habang nagbabalita ang isang reporter sa area kung saan marami ang napinsala, tumambad sa kanya ang isang bull shark na may katamtamang laki.

Patay na ang naturang pating na nabalutan pa ng makapal na putik.

Ayon sa International Shark Attack File, ang bull shark ay isa sa pinakamapanganib na specie sa human at marami nang naitalang pag-atake nito.

Nagbigay ng babala ang local Fire and Emergency Services ng lugar dahil maaari rin may iba pang pating, buwaya, o ano mang mapanganib na hayop na nanggaling sa dagat ang pwede nilang makita sa kalye.

 

 

Show comments