^

Sino ang Madalas Magkontrol sa Relasyon?

ANGAS NG BAE (Pang-masa) - April 2, 2017 - 12:00am

• Hindi ko naman sinasabing under ako sa mga nagiging girlfriend ko pero hinahayaan ko na lang sila na lang ang magkontrol sa relasyon dahil mas gusto kong masaya sila. Lahat ng desisyon ay ipinauubaya ko sa mga nagiging karelas­yon ko para wala nang gulo. Kahit pa sabihin ng iba na sunud-sunuran lang ako ay mas gusto kong ganito ang setup para hindi na magkaroon pa ng gulo. – Aries, Antipolo

• Lalaki dapat ang nasusunod sa relasyon. Hindi ako papayag na maging sunud-sunuran lang ako sa babae, hindi ako makapapayag! Kung ang mga kapatid ko ngang babae hindi makapalag sa akin, girlfriend pa kaya? Dapat ang lalaki ang nagkokontrol sa isang relasyon dahil mas malakas at mas may alam ang mga kalalakihan sa buhay. – Reggie, Bicol

• Kung magdyowa pa lang, pwede siguro akong magpaalipin. Pero ko kung asawa ko na, aba hindi maaari ‘yun. Ako na ang magiging padre de pamilya, at para magampanan ko ang role ko ay dapat ako masusunod at magkokontrol. Sasabihin ko ito sa makakarelasyon ko para naman hindi siya mabigla sakaling magpakasal na kami. – Raymond, Cebu

• Sa mga naging karelasyon ko, masasabi kong laging ako ang nagpaparaya. Pero sa palagay ko namana ko lang ang pagiging maginoo na sinasabi ng iba sa aking ama. Nakita ko kasi kung paano naging masunurin ang aking tatay sa aking nanay. Hindi niya sinuway ang mga bilin at gusto ng aking nanay kaya naman hanggang ngayon ay masaya pa rin sila sa piling ng isa’t isa. – Bernard, IloIlo

• Okay lang naman magpakontrol minsan sa girlfriend, pero hindi lagi. Ako, hinahayaan ko ang mga nagiging karelasyon kong dumiskarte pagdating sa maliliit na desisyon. Pero kung malakihang desisyon na sa aming relasyon ay ako ang gumagawa nito. Tinatanong ko rin naman siya sa kung ano ang gusto niya pero sa huli ako pa rin ang may huling sey. Sa palagay ko, lalaki ang dapat maging mas dominante sa isang relasyon. – Peter, Isabela

 

GIRLFRIEND
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with