Inaapi si Nanay ni Mister

Dear Vanezza

Bilin ng nanay ko na magtapos daw ako ng pag-aaral para balang araw ay hindi ako apihin ng magiging asawa ko. Naawa ako kay nanay na no read no write kaya madalas silang mag-away pagdating sa pera. In fairness kay nanay ay masarap siyang magluto at nagpipilit na magtindahan sa bahay namin. Pero dapat ko bang sabihan si tatay na huwag sabihan ng masasakit na salita si nanay? - Leng

 

Dear Leng,

Oo naman maaari mong ipakiusap sa tatay mo na sabihan ng maaayos ang iyong nanay. Makatutulong kung tuturuan mo si nanay na magbasa at magbilang nang hindi siya madaya sa inyong tindahan. Para lumago rin ang kanyang kaalaman sa pagbabasa.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments