Pakawalan ang Galit

Maraming psychological na benepisyo ang pagpapatawad.

Ang mga taong nagpapatawad ay mara­ming pakinabang mula sa kanilang desisyon na pakawalan ang galit at hinanakit.

Nababawasan din ang isyu ng inis, anxiety, pagkabahala, at stress.

Dahil natatanggal ang bigat ng kalooban. Walang iniisip na sama ng loob kahit kanino.

Kundi mas mara­ming pag-asa at may positibong pananaw. Mas malaki rin ang tiwala na walang nakasamaang loob at nasaktang kapwa, kaibigan, o mahal sa buhay.  Masarap ang pakiramdam na malinis ang konsensiya na mayroon man hindi napagkasunduan pero madali mong mapalampas ang pagkakataon.

Maluwag din ang kalooban dahil  may kapayapaan sa puso at isipan.

Mataas din ang self-esteem o pagpapahalaga sa sarili dahil sa pagpapatawad sa ibang tao.

Show comments