Kanser sa Suso

Ang kanser sa suso ay isa sa nangungunang sakit sa buong mundo. Ang mga cancer cells o selula ng kanser ay hindi ordinaryo na  mas mabilis na tumutubo at nahahati ang mga ito kaysa sa malulusog na mga cells. Puwedeng maging tumor ang ibang mga cells ng kanser. Ang lahat ng mga tumor ay lumalaki, ngunit may tumor na mas mabilis na tumubo kumpara sa iba. Maaaring kumalat ang mga cells sa ibang mga bahagi ng katawan sa pamamagitan ng dugo at sistemang limpatika na tinatawag na metastasis.

Nalalaman ang kanser sa suso sa pamamagitan ng mammogram, kapag nakakapa ng isang babae ang bukol, o sa pamamagitan ng pagsusuri ng isang doktor. Upang matuklasan ang kanser sa suso, mahalagang suriin buwan-buwan ang sariling mga dede. Magpa-check up sa doktor taun-taon, kung ikaw ay lampas 40. Ang mga pagsusuri ay mas madalang para sa mga nakababatang edad.

Show comments