Bagong Journey

Hindi maiiwasan na malungkot at maiyak sa pagreretiro mula sa mahabang panahon ng pagtatrabaho.

Pero pagkatapos ng mahabang oras sa corporate world ngayong retired na ay  matutuwa rin dahil sa rami nang libreng oras. Ikaw na mismo ang may kontrol ng buhay, kalendaryo, at schedule na masayang concept sa isang side pagdating sa retirement period.

Hindi komo sinasabi ng iba na “when you retire you are expire.” Ang retirement ay simula ng bagong journey ng libreng oras na gustong gawin sa buhay.

Tulad ng pagkakaroon ng oras na puwedeng nang makipag-ehersisyo o makipag-jogging sa mga kapwa senior citizen ng iyong subdivision. Masisiyahan na maraming makakasabayan at ma­kikilalang tumatakbo tuwing umaga.

May sariling oras na para makapag-work out, makipag-zumba, at mag-travel sa iba’t ibang lugar. Kasama ang misis, pamilya, anak, o apo. Marami rin ang oras na puwedeng pagpalit-palitin mula sa ibang activities.

Show comments