Grado ng mga Mata

Ang pagkain ng healthy meals ay isang paraan upang maging malusog ang pa­ngangatawan na ang mas higit na partikular na nakakakuha ng  benepisyo ay  ang mga mata.

Dagdagan pa ng vitamin A mula sa madidilaw na prutas  at gulay na mayaman dito tulad ng saging, papaya, carrots, kalabasa, at iba  pang pagkain. Ang masustansiyang pagkain na  masagana sa  vitamin A ay nakatutulong na maiwasan ang problema sa mga mata. Upang mapabagal din ang panglalabo ng paningin. Kahit nakatutulong ang nutrisyon sa paningin, pero ang pagkain ay walang epekto sa grade o grado ng mga mata. Ang grado ay depende sa iba’t ibang factor, pero  hindi dahil sa nutrisyon.

Samantalang ang vision problem ay hindi maiiwasan, pero puwedeng maitama o ma-correct sa pamamagitan ng pagsusuot ng eye glasses. Pinapayuhan ng ophthalmologist ang mga magulang na magkaroon ng maagang eye-checkup ang mga anak. Kapag hindi pa makabasa ang bata ay may paraan ang mga eye doctor na ma-checkup at matulungan na magkaroon ng malinaw na paningin ang anak. Mas maagang ma-correct ang vision ay mas mabuti.

Show comments