Naging Libingan ang Garden

Panaginip: Nagulat ako pag-uwi sa aming probinsiya. Naging puntod ang taniman ng gulay na nasa tabi ng aming bahay. Ang bahay naman ay naging chapel. Hinahanap ko ang aking ama at ina pero sabi ng kapitbahay ay umatend ng funeral ng aking lola. Nagtaka ako dahil matagal nang patay ang aking dalawang lola.---Babes

Interpretation: Ang puntod ay simbolo ng mga bagay na matagal mo nang ibinaon sa limot – maaaring ito ay alaala ng pag-ibig; pain or guilt na matagal mo nang kinikimkim at itinatago. May tsansa na muling  maungkat ang isyung inakala mong nakabaon na sa limot.

Show comments