Ano’ng Goals na Gustong Gawin Ngayong 2017?

* Plano ko na mag-aral ng baking. Panahon na para matuto akong mag-bake. Puwede naman bumili ng cake, pero iba pa rin ang may alam na skills sa baking. – Marites, Quezon, City

* Panalangin ko na makapag-abroad na ako sa Australia, Norway, at Canada. Wala siguro ang suwerte ko sa ‘Pinas. Ewan ko ba, iba ang hatak sa akin ng tatlong bansang ‘yan. Feeling ko time na para lisanin ang Inang Bayan ko. – Michelle, Taguig

* Hala I’m turning 45 years old this year. Plano ko na maging stay healthy at sexy. May pag-asa pa ko ‘di ba? – Leila, Masbate

Plano ko na hindi na ako magpapaalipin sa social media. Puwede naman akong mag-Facebook sa opisina. Pero never na sa aking cell phone. Kaya erase ko na pati ang messenger at Instagram. Kung kailangan in time of emergency. Okey lang. God is still the control of my life. Ayoko nang ma­ging adik sa Facebook o social media. - Tonie, Batangas

* Magsisikap akong makaipon ng pera ngayong taon. Puwede naman kung tutuusin dahil try and error lang naman yan. Kung last 2016 ay waldas ako sa pera. Ngayon, never na. – Sallie, Navotas

Show comments