Magic ng Microwave Oven

Kahit saang parte ng ating tahanan ay maaa­ring bahayan ng mikrobyo at virus dahil sa hindi paglilinis nang maigi nito. Ang kusina ang isa sa pinakamaru­ming bahagi ng ating bahay. Kapag hindi nalinis ang mga lulutuing pagkain ay maaaring malipat ang virus sa pagkain.

Maging ang sponge na panglinis ng mga hugasin ay madali ring kapitan ng mikrobyo. Pero may tip ang inyong kuya pagdating sa paglilinis nito.

Sa bawat araw na gagamitin ang sponge ay hugasan ito ng tubig at pigaan. Ilagay ito sa microwave oven ng 3 minuto at presto, may bacteria-free sponge na kayo. Maaari ring ilagay sa microwave oven ang sangkalan na microwaveable. Siguradong patay ang mga mikrobyo ‘pag “iniluto” ito sa microwave.

Ito po ang inyong kumpunerong kuya na nagsasabing kung gusto maraming paraan!

Show comments