Heart lines na hindi magkapantay

(Last Part)

2. Ang Heart Line sa Kanan ay mas mataas: Sila ay good lover at ang kanyang pag-iisip ay mas matured kaysa kanilang edad. Ito ‘yung sinasabing matandang-isip. Walang pakialam sa iisipin at sasabihin ng tao sa kanya, basta’t maligaya sila at tama ang kanyang ginagawa. Malaki ang tsansang mas matanda sa kanila ang mapapangasawa.

3. Ang Heart Line sa Kaliwa ay mas mataas: Kadalasan ay agresibo sila, independent at hindi natatakot sa mga challenges ng buhay. Madalas din magaganda sila o pogi. Hindi rin sila nako-conscious kung wala silang love life. Katwiran nila, kumpleto pa rin sila kahit walang karelasyon. Pero kung makakapag-asawa, malaki ang tsansa na mas bata sa kanila o foreigner ang mapapangasawa.

Show comments