Over kill na alahas

Ang perfect na lugar para sa esktrang alahas ay dapat ilagay sa jewellery box, hindi sa tainga, kamay, o leeg.  Kasi mag­mumukhang over kill kapag ang shoul ay lalagyan pa ng makapal na kuwintas sa leeg. Tapos ang super habang dangling na hikaw ay ipaparehas pa sa agaw pansin na neck lace.

Magpokus sa isang accessory lang. Kung gusto ng hikaw ay mag-stick sa tamang laki ng stones o maliit ang design o style.

Dapat iwasan ng mga babae ang dangling earrings, tapos ang dami pang bracelets sa kamay. Ang mga lalaki ay wala nang ibang dapat na alahas na suot, maliban sa relo o wedding band o singsing.

Pagdating sa tattoo ay depende kung saan ang interview na puwedeng takpan sa pamamagitan ng pagsuot ng long sleeves.

Show comments