Bumalik sa pagkabata si Mama
(Pang-masa) - November 11, 2016 - 12:00am

Dear Vanezza,

Nagsimula lang sa ubo hanggang magkaroon ng kumplikasyon sa baga si mama. Naapektuhan din ang kanyang puso at na-stroke. Hindi na kami naaalala ni mama dahil bumalik siya sa pagkabata. Sinusungitan niya ang mga taong dumadalaw kahit ang kanyang tatay at mga kapatid. Sabi ng doktor matagal bago bumalik ang kanyang memory. Ngayon ko lang nalaman ang hirap at pagtitiis niya sa amin magkakapatid. Nanghihina rin ng loob si papa sa sitwasyon ni mama, pero sama-sama kaming naghihintay sa pagbabalik ng memorya ng aming ina. – Lois

Dear Lois,

Huwag kang tumigil sa pananalangin na gumaling ang iyong mama. Tama na sama-sama kayong magsuportahan  sa sakit ng nanay mo. Dahil lahat ay magiging mas magaan ang problema kung nagtutulungan kayong magpapamilya. Samantalahin mong pagsilbihan ang iyong mama ngayong matindi ang kanyang sakit.

Sumasainyo,

Vanezza

MAMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with