Respeto sa labanan

Kahit naman sino ay ma­hirap na tanggapin ang pagiging talunan sa lahat ng laban tulad ng sports, election, pagka-basted, at iba pang bagay.

Pero sa halip na mag­­­pokus sa kung ano ang nangyari, subukan na iba­ling ang atensiyon kung paano babangon. Kung ano ang gagawin sa susunod na pagkaka­taon. Subukan na ha­yaan o let go ang mga bagay na hindi na kayang baguhin. Kundi gawin ang best na respetuhin ang sinuman o pangyaya­ring naging dahilan ng pagkatalo.

Natural na makaramdam ng galit at madismaya, pero tanungin ang sarili kung bakit nagagalit at anong gustong ma-achieve. Bago matanggap o makontrol ang iyong emosyon, kailangan munang maintindihan ang proseso ng pinagdaraanan. Para makalaya at isipin ang hakbang na puwedeng gawin sa susunod na laban.

Show comments