Palayain ang sarili

Kapag tapos na ang isang relasyon ay hindi maiwasan na natutukso pa rin na mag-dwell on sa kung ano ang maling nangyari o isipin na sana ay nauwi sa mas magandang ending ang mga moment ng ex partner.

Sa isang banda, parang productive tingnan dahil panay ang pag-emote sa sarili ng mga dialogue o pinag-usapan para lumuwag ang pakiramdam.

Pero hindi namamalayan na kapag panay ang isip sa nakaraan ay lalong nagpapabaon sa sarili. Kailangang mag-practice na bumitaw at tigilan na ang panghihinayang.

Iwasan na ang pag-alala sa ex dyowa o partner, kundi ay palayain ang sarili sa nakalipas. Bagkus ay magpokus sa magagandang pangyayari sa kasalukuyan. Ibaling ang atensiyon sa ibang plano o activities.

Mabuti nga na habang maaga  ay wala na kayo ng partner, para makita na ang taong tunay na higit na maghahamal sa iyo.

Show comments