TLC para sa sweater

Ngayong panahon ng taga-lamig dahil sa bagyo at paglamig ng simoy ng hangin ay “in” ang sweater o jacket na ginagamit o pangporma. Hindi lang basta ito tinutupi at i-stock sa loob ng cabinet pagkatapos malabhan.

Ang label o taketa sa loob ng sweater ay nagsasabi kung paano i-TLC (tender loving care) o ingatan ang balabal para ito ay magamit nang magtagal. Basahin ang label na susi paano ito inga­tan. Sundan ang instruction sa taketa kung paano o bago ito lalab­han. Dahil hindi lahat  ng damit, tela, o sweater ay kailangang dumaan sa washing machine. Kung ang sweater ay woolen ang tela na bago itago ay kailangan dry-clean lalo na kung madalas itong gamitin. Dahil sa delikado ang bawat hibla at sinulid ng sweater na kung naman­tsahan ay mas madaling masira kapag kinusot ng kamay. Huwag din isasabit ang sweater o jacket lalo na yung gantsilyo ang tela na mas luluwag ang sinulid na malaking ang tsantang sumabit sa hook o pako. Bukod sa magkakaroon ng butas ay permanente nang masisira ang shape at fit nito. Ang sweater ay dapat laging nakatupi kapag itatago sa cabinet.

Hindi dapat isinabit ito sa clothsline o hanger dahil nakasisira ito ng shape na lalawlaw o babagsak ang fitting ng sweater.

Ang ibang cotton sweater ay puwedeng labhan sa washing machine o pagkusot ng kamay. Hindi rin basta masisira ng matapang na sabon o powder na detergent hindi tulad ng klase ng woolen o cashmere.

Pero huwag ibilad sa sikat ng araw kapag isinampay dahil madaling kukupas ang natural ng kula ng sweater o jacket.

Show comments