Personality ayon sa pirma

Ang taong nagsusulat ng sobrang dikit-dikit ay mahilig makialam o manghimasok sa buhay ng ibang tao.

Ang pangit na pirma na ang ibig sabihin ay pribado at mahirap ispelingin, kausap o mahirap maintindihan ang klase ng pag-uugali.

Ang salita o pangungusap na kakaiba sa lahat ng hagod ng sulat ay sinasabing nagsisinungaling.

Ang graphology ay pag-aaral ng handwriting lalo na sa mga empleyado na nag-aanalisa ng writer’s character, personality, abilidad, at iba pa.

Sa medical field ay sinasangguni rin ang pag-aaral ng handwriting bi­lang aid sa pag-diagnosis at tracking ng sakit.

Kaya ang pagiging schizophrenia at high blood pressure ay puwede rin ma­laman sa pamamagitan ng sulat ng isang indidibwal.

Ang malalaking hagod ng sulat ay ang mga taong outgoing, people-oriented, outspoken, naghahanap ng pagmamahal o atensiyon, at nagpapanggap na sobra ang confidence. Ang maliit na sulat na mahiyain, studios, malalim mag-isip, at metikuluso. Ang katamtaman ang laki ng sulat ay adaptable, madaling makibagay at mag-adjust sa paligid.

Show comments