Chika babes ni tatay

Dear Vanezza,

 

Ako po si Ynez, 46 years old. Sawang-sawa na po ako sa pambabae ng mister ko. Lagi na lang niyang sinasabi na magbabago siya. Pero lagi ko na lang nalalaman ay may chika babes ang mokong. Pati ang mga anak ko manhid na sa mga tsismis ng pagiging babaero ng tatay nila. Gusto ko na po makipaghiwalay para maging tahimik na ang buhay namin. Tama po ba ang gagawin ko?

 

Dear Ynez,

Huwag kang sumuko sa paghihintay ng pag­babago ng asawa mo, Encourage mo siyang su­ma­ma sa marriage counseling para magabayan ang problema at bigyang solusyon ito. Kausapin mo rin ang asawa mo patungkol sa nararamdaman ng inyong anak. Magpakatatag ka bilang halimbawa sa iyong mga anak.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments