Malabo pa ang future

Dear Vanezza,

Ako po si Sandi. Five years na kami ng BF ko at marami na rin pong nangyari sa amin pero wala pa siyang balak na magpakasal kami. Sabi niya darating din kami doon. Talagang mahal ko siya pero payuhan po ni’yo ako dahil baka niloloko lang n’ya ako.

Dear Sandi,

Maaari ay hindi pa siya handa sa pagpapamilya kaya wala pa siyang plano na kayo’y magpakasal. Sa pag-aasawa, hindi lang dapat puro pag-ibig, mahalaga na financially stable rin kayo para na rin sa future ng inyong magiging anak.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments