Brigada Eskwela

Taun-taun ay maraming volunteer mula sa mga hanay ng mga magulang, private sector, o indibidwal ang nakikilahok sa paglilinis bago ang pagsisimula ng pasukan. 

Ngayong taon ay muling tinatawagan ng Department of Education (DepEd) ang publiko na makiisa sa Brigada Eskwela bilang national schools maintenance na nagsimula noong Lunes hanggang Sabado bilang bayanihan ng mga komunidad, guro, magulang, at mga estudyante sa paglilinis ng ating pampublikong eskuwelahan.  Ito rin ay bilang hamon sa pagharap sa buong tema ng DepEd sa buong taon na “Tayo Para sa Paaralang Ligtas, Maayos, Handa Mula Kindergarten Hanggang Senior High School”.

Nakatutuwang malaman na hindi lang pagpapaganda ng paaralan nakatuon ang ibang maraming sektor sa pagtulong sa mga estudyante, kundi maging ang pagpapaabot ng mga school supplies para sa mga batang Pinoy.

Nawa’y higit na matugunan ang pangangailangan ng pag-aaral na ng mga susunod na herasyon sa pagpapatupad ng K-12 curriculum. Pero kung tutuusin ay hindi dapat nakasalalay sa haba ng pag-aaral ang gugugulin ng mga estudyante, kundi sa kalidad ng matutunan ng mga bata.

Show comments