Telecoms Fair

Ang pinakamalawak na koleksyon ng cell phone units at gadgets ay magtatanghal ng 23rd Telecommunications and Accessories Fair, mula Hunyo 10 hanggang Hulyo 4 sa Greenhills Shopping Center sa Ortigas Ave­nue, San Juan City.

Ang fair ay lalahukan ng 1,400 par­ticipants na mga im­porters, ma­nu­facturers, mall sup­pliers, traders, wholesalers, at retailers na mga negos­yanteng may karanasan sa kanya-kanyang larangan at ang hangarin ay bigyan ng halaga ang ginagastos ng mga customers sa pagkakaloob ng de-kalidad na produkto at serbisyo sa abot-kayang halaga. 

Ang fair na inorganisa ng Prime Asia Trade Planners and Convention Organizers na pinamumunuan ni Henry G. Babiera, madalas siyang tumutulong sa mga trabahador ng stall owners na magkaroon ng livelihood opportunities gaya rin ang mga suppliers na nakabase sa mga lalawigan. Maituturing itong sustainable livelihood para sa countryside na nabibiyayaan ang mahigit na 100,000 manggagawa ng pinakamahusay produktong Pinoy.

Show comments