Atrasadong Sahod

Magandang balita para sa mga expat workers na kababayan natin sa  Saudi Arabi, dahil sa wakas ay puwede na silang magreklamo sa mga amo nilang  Arabo na delay kung magpasuweldo.

Hindi na kailangan na bumisita o pumunta pa sa opisina ng Labor office sa Jeddah, dahil activated na ang video call service  - hotline 19911 para maghain ng reklamo at direktang tutugunan ang reklamo ng mga workers.

Ang pagbibigay ng delay na sahod ay maliwanag na violation sa Labor Law ng Saudi. Hindi na kailangan manghingi ng permission to transfer para sa sponsorship dahil kakasuhan na agad ang amo nila dahil sa atrasadong kung magpasahod.

Show comments