Aswang Territory (17)

NATAMPAL ni Avia si Armani pero mahina lang.

“Sorry, mahal. Akala ko naman kasi kaya tayo nagpunta dito sa mas maliit na silid ay dahil …”

“Basta tumayo ka lang diyan. At manood. Para mas higit mo akong makikilala.”

Itinulak siya nang mahina ni Avia, palayo dito. Halos idinikit na siya sa dingding ng inner room.

“Dito ka lang. Para hindi ka mahagip. Dahil kapag lumabas sila, magugulat ka sa laki at bilis. Masasaktan ka pag tinamaan ka.”

Tumahimik na si Armani at nag-observe. Hindi inalis ang tingin sa kanyang nobya.

Ang hubad na katawan ni Avia ay sobrang ganda. Halos maduling at hindi makahinga si Armani. Daig pa niya ang nakatitig sa isang diyosa.

May kinuhang garapon sa isang maliit na altar si Avia. Parang isang rituwal na ang dahan-dahang pagkilos nito. Isang sagrado ang gagawin nito.

Binuksan ang garapon. Dahan-dahan pa rin. Para bang bawat galaw ay may bilang.

Mesmerized si Armani nang maintindihan kung ano ang gagawin ni Avia. Nagbabanyos ito sa ritwal na galaw at bilang ng buong katawan ng likidong nasa garapon.

Nagsimula sa mukha, bumaba sa leeg. Pati mga ngipin ay nilagyan din ng likido.       Ang torso, ang mga braso at kamay. Nagtagal sa baywang. Umungol-ungol na si Avia. Isang napakalambing pero nakakapangilabot na ungol. Hindi na nagmumula sa isang ordinar­yong tao.

Ibinaba ang pagbabanyos sa ibaba ng baywang. Sa mga singit ng hita, sa nasa gitna ng hita, sa puwet na maumbok.

Napahingal sa seksuwal na pakiramdam si Armani bilang lalaki siya. Pero nagpatuloy lamang siya sa pagtitig sa kakaibang tanawin.

Dahil iyon ang utos sa kanya ng kanyang nobya.

Nadaanan na ng mga kamay ni Avia na may likido ang mga hita, binti at nakarating na sa mga paa. Pagkatapos ay lumuhod si Avia at tumingala sa buwan na kita sa labas ng maliit na bintana. Saka umungol nang buong tinis na para bang umabot na hanggang buwan. At ang dalawang malalaki at maiitim na pakpak ay bigla na lamang umigkas mula sa likod. Muntik na ngang mahagip si Armani. Itutuloy

Show comments